Misis ng ‘Ampatuan victim’ iko-contempt

NANGANGANIB na mapatawan ng contempt ang isang mamamahayag at asawa ng isa sa mga biktima ng Maguindanao massacre dahil sa pag-aakusa sa mga mahistrado ng Court of Appeals( CA) na umano’y tumatanggap ng suhol mula sa mga Ampatuan.

Sa limang pahinang resolusyon ng CA Special Division na pinonente ni Associate Justice Danton Bueser, pinagpapaliwanag ng korte sina Monette Salaysay, asawa ng napaslang na mamamahayag na si Napoleon Salaysay at Rowena Paraan, Secretary General ng National Union of Journalist of the Philippines (NUJP) kung bakit hindi sila dapat i-cite for contempt dahil sa umanoy pag-aakusa nang walang batayang paratang.

Iyan ay makaraang mag-isyu ng statement sa media sina Salaysay at Paraan na nag-aakusa sa dalawang mahistrado ng CA, partikular na kina Justices Bueser at Marlene Gonzales-Sison, ng pagiging bias o nagpapakita ng pagkiling pabor sa mga Ampatuan dahil sa pera.

Ayon pa sa resolusyon, bagamat iginagalang ng Korte ang freedom of expression at freedom of the press, mahalaga pa rin na maging maingat at tiyaking hindi sila makaiimpluwensya sa magiging desisyon ng korte.

Mahalaga rin umano na maikunsidera ang batas sa subjudices dahil ang kaso ay nakabinbin pa.

Tinukoy din ng CA na ang nasabing mga paratang ay may bahid ng malisya at layong hiyain ang mga miyembro ng Hukuman. Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply