‘Mistah’ ni Lacson absuwelto sa Sandigan

PINAWALANG-SALA ng Sandiganbayan Third Division ang isang retiradong Air Force general na “mistah” nina dating Armed Forces of the Philippines (AFP) comptroller Carlos Garcia at Sen. Panfilo Lacson.

Inabswelto sa siyam na bilang ng falsification of public documents si retired Maj. Gen. Ralph Flores sa alegasyong pineke nito ang kanyang birth certificate para palabasing mas bata ang edad nito.

Sa desisyon ng korte, idineklarang walang basehan ang akusasyon laban kay Flores.

Nauna rito ay pinaratangan si Flores ng AFP na ipinalabas nitong taong 1949 siya ipinanganak gayong 1946 ang tunay na taon kung kalian siya ipinanganak.

Ginawa umano ito ni Flores sa layuning ma-promote bilang major general.

Napilitan ding magretiro si Flores noong 2004 dahil iginiit ng AFP na siya ay 56-anyos na noon.

Wala itong nakuhang retirement benefits mula sa AFP at may natitira pang tatlong taon sa serbisyo bago ang compulsory requirement.

Ayon sa abogado ni Flores na si Atty. Rudolf Philip Jurado, pag-uusapan nila ng retiradong heneral kung anong hakbang ang gagawin nito para mabawi ang retirement benefits sa mahabang panahon ng kanyang serbisyo sa militar. Robert C. Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply