Mister na naulila sa tatlong anak, nagbigti

PANGUNGULILA sa tatlong anak ang nag-udyok para kitlin ang sariling buhay ng isang 32-anyos na construction worker matapos magbigti gamit ang sinturon nitong Miyerkules ng gabi, Abril 6, sa Tondo, Manila.

Kinilala ang biktimang si Marlon Ravanilla, hiwalay sa asawa, ng 731 Raxabago St., Tondo, at stay in worker sa kanyang kamag-anak sa Sta. Ana, Manila bilang construction worker.

Batay sa ulat na isinumiti kay Sr. Insp. Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong alas-onse ng gabi nang madiskubre ang nakabiting biktima sa kanilang bahay sa nasabing lugar.

Noong una’y inakala lamang na nakasandal ito sa dingding, pero nang lapitan ng mga pamangkin ay napagmasdang nakabigti ng sinturon ang leeg at halos naka tapak ang paa nito sa sahig.

Agad na kumilos ang mga pamangkin ng biktima, kung saan mabilis nilang inalis ang tali sa leeg at isinugod sa Ospital ng Tondo, ngunit hindi na rin naisalba ng mga manggagamot.

Nabatid sa report ng pulisya na may ilang taon nang hiwalay sa asawa ang biktima at ang tatlo nitong anak ay isinama pa ng kanyang misis.

Bago ang pagpapatiwakal, umuwi umanong lasing ang biktima at dito na nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng kanyang ina hinggil sa 3 nitong anak na ibig lamang nitong makita.

Ilang sandali pa lamang ang nakararaan nang matuklasang nagwakas na ito ng kaniyang buhay. Rene Crisostomo

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply