Miyembro ng Sex Bomb lapitin ng mga “taken”

HINDI lang minsan naikabit ang mga pangalan ng ilang miyembro ng Sex Bomb sa mga may karelasyon na sa showbiz.

Pinakabago ngang isyu ngayon ay ang pagkakadawit ng miyembro nitong si Aifa Medina sa supef fafalicious na jowa ni Angleica Panganiban na si derek Ramsay.

Mayroon daw kasing nakakita na magkasama ang dalawang ito sa isang lugar sa Tondo.

Mariin na itong itinanggi ni Derek at nagyon ay ang magandang jowa nito na si Angelica ang nagbigay ng reaksyon hinggil sa nasabing isyu.

Pahayag ni Angelica: “Nagulat kaming dalawa kasi noong lumabas daw yung balita, nasa Boracay siya talaga. So sobrang imposibleng mangyari na may pinuntahan siyang girl. Pinahanap niya sa akin sa internet kung ano ang itsura ni Aifa, sabi niya kasi mamaya kilala pala niya kasi sobrang friendly ni Derek. So noong nakita niya yung picture sabi niya, ‘di ko nakita iyan, ‘di ko kilala iyan.”

Samantala, hindi magkasama sa Holy Week ang mag-jowa kaya naman inaasahan na nila na hindi agad mamamatay ang isyu na ito.

Sinabi na lang ni Angelica na sanay na siya sa ganitong intriga sa kanila  ng kanyang fafa Derek.

Aniya, “paulit-ulit na lang siyang dejavu sa akin yung lahat ng intriga. Sa lahat naman ng binabato nilang intriga at tsismis na hindi magaganda, maganda naman ang ibinabalik sa akin ni Lord.”

Busy naman si Angelica para sa Star Magic Tour, sa katunayan ay noong last Wednesday night ay umalis na siya pa-America para sa nasabing show kasama pa ang ilang bigating artista ng Star Magic.

Excited nga raw si Angelica dahil muli silang magkikita ng kanyang biological father na naka-base sa U.S.

“Sobra kasi hindi lang siyempre makakapagbigay kami ng saya at makakapag-reachout kami sa mga kababayan natin sa America, siyempre kami may mga kamag-anak din kami doon so parang family reunion din siya.” Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply