MMK bubuhayin si AJ Perez

NAKAKAPANLUMO ang maagang pagpanaw ng teenager na si AJ Perez dahil sa vehicular accident.

Nakasama pa si AJ Perez sa  Kapamilya Karavan sa  Bangus Festival nung Abril 16, Sabado, 4 p.m., sa Dagupan City Plaza tampok ang dalawa pang  Kapamilya stars na sina Zaijian Jaranilla at Matt Evans.

Matatandaan na katatapos lamang ng matagumpay na  pagbisita ni AJ Perez sa Legaspi City.

Hindi maipaliwanag ang ligayang nararamdaman ni AJ sa pagkakaroon ng magagandang projects, tulad ng kanyang natatanging pagganap sa “Maalaala Mo Kaya” na mapapanood sa Abril 30.

Mayroon din siya sanang upcoming Star Cinema movie na tiyak na aabangan ng kanyang mga taga-suporta.

Sabi pa ni AJ noon bago sila tumungo papuntang Dagupan, “Grabe po, overwhelming and sobrang thankful lang po talaga ako kay God for the opportunities He continuously gives me. Sana magustuhan ng mga taga Dagupan City yung hinanda naming numbers for them.”

Kung saan ka man naroroon mahal naming AJ may you rest in eternal peace.
Kami  rito sa  Remate ay nakikiramay sa iyong mga loved ones na naiwan mo sa napakaaga mong pagpanaw.

Siguro nga your early demise is part of the grand design the Lord has conceptualized for you early on. Elson Galido

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply