Mocha Uson magbubuyangyang sa Pagudpud

MAY bagong screening strategy ang producer-director na si Direk John Ad Castillo ( kapatid ng iconic direktor na si Celso Ad Castillo) ng kapapalabas lamang na pelikulang “Seksing Masahista” na pinagbidahan nila Mocha Uson ng  Mocha Girls at singer-actor na si Zyruz Imperial.
I’m syur expected din na mag-guest si Mocha Uson para pagpipistahan naman  ang  kanyang pagiging buyangyangera roon.

May move-on special screening ito sa  napaka-sosyal as in high-end tourist destination na Hannah Beach Resort sa Pagugpud, Ilocos, the month of May na pag-aari ng musically-inclined na si Col. Ricardo Nolasco na kilala rin bilang manager ng pamosong Singing Soldiers. Si Col Nolasco ay kasalukuyang  Presidente ng AWMSLAI, Camp Aquinaldo Quezon City, Philippines at very supportive siya sa mga initiative ng mga baguhang mga mang-aawit.

Ang “Seksing Masahista” ay may kaakibat na concert na pangungunahan ng inaanak ni Col. Nolasco na si Myra Andaya, pride of Marian College, Q.C., singer-actor JR Rosales, at siyempre pa ang lead actor ng nasabing pelikula na si Zyruz Imperial.

Kasama rin  sina Blanktape, “King of Jejemon Rap,”  Datu Khomeni, “King of Moro Songs,” Willy Jones, “Shirley Bassey of the Philippines” PJ
Gonzales, Kristille Atinen, Mimi Shimada, etc.  with Ryan Manal as Musical Director.

Ipalalabas din ang nasabing concert sa May 15, (Sun., 2011) 8:00 p.m. at the Music Box in Ti,og, Quezon City, the oldest comedy bar ng bansa na pag-aari ni Wowee. Elson Galido

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply