Morocco binomba, 15 patay

UMABOT na ng labing-lima ang namatay matapos pasabugin ang isang kapihan sa Marrakesh, Morocco. Kabilang dito ay sampung mga dayuhan at limang moroccans. Kinumpira din na limang French nationals ang kasama sa mga napatay.

Ang naturang lugar ay tambayan ng mga turista sa lugar dahil overlooking ito sa Marrakesh’s Jamaa el-Fnaa square.

Hinihinala ng Interior Ministry ng bansa na kagagawan ito ng mga Islamist militants.

“Analysis of the early evidence collected at the site of the blast that occurred on Thursday at a cafe in Marrakesh confirms the theory of an attack,” ayon sa pinalabas na pahayag ng Interior Ministry.

Ito ang kauna-unahang pagpapasabog sa naturang bansa matapos ang naganap na suicide bombing taong 2003 kung saan ay kumitil ito ng 45 na buhay.

“I heard a massive blast. The first and second floors of the building were destroyed,” ayon sa isang saksi.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply