Morong 43 desididong ipakulong si RGMA

DETERMINADO ang anim na miyembro ng Morong 43 na ipakulong at pagbayarin si Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at iba pa.

Ayon kay Gary Liberal, isang nurse, kahit ano ang mangyari ay itutuloy nila ang isinampa nilang kaso sa akusado noong April 4.

Hindi umano sila natatakot kina Army spokesman Col. Antonio Parlade Jr. at Col. Aurelio Baladad, commander ng 202nd Infantry Brigade kahit pa kung anu-ano ang sinasabi nila sa media.

Aniya, walang ginawa ang nasabing mga militar kundi i-recycle ang mga lumang argumentong miyembro sila ng NPA.

Malinaw anila ang kanilang mensahe at malakas ang kanilang katibayang nilabag ang kanilang karapatang pantao kaya dapat silang magbayad sa kanilang mga kasalanan.

Idinagdag pa ni Liberal na gagawin nila ang lahat upang hindi makalusot sa kanilang mga kasalanan sina Macapagal-Arroyo at ang mga matataas na opisyal ng military na idinemanda nila.

Dahil dito, dapat na umanong maghanda sina RGMA at mga kakutsaba sa iba pang demandang kakaharapin nila. Nenet Villafania

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply