Motorcycle vs pedicab; driver basag ang bungo, kritikal

KRITIKAL ang isang driver makaraang magkasalpukan ang isang motorsiklo at pedicab sa Marharlika Highway, Tacloban City.

Basag ang ulo ni Raul Tanedo, driver ng motorsiklong may plate number na HN6163. Nasira naman ang pedicab ng kanyang sinalpok at bahagyang nasaktan ang driver na si Christian Adona ng Barangay 95 sa naturang lungsod.

Ayon sa barangay tanod na si Ronaldo Bernal na unang rumisponde sa insidente at isang ring pedicab driver, kapwa nila binabagtas ni Adona ang Maharlika Highway nang mag-overtake ang motor. Biglang lumiko pakaliwa ang pedicab ni Adona kaya naman sinalpok ito ni Tanedo. Lumipad umano ang driver nito at natanggal ang suot na helmet kaya pagbagsak nito ay napuruhan ang driver.

Dumating agad ang emergency rescue ng lungsod at dinala ang biktima sa Eastern Visayas Regional Medical Center. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply