Motorsiklo nahulog sa bangin 1 patay, 3 kritikal

ISA ang patay habang nasa kritikal na kondisyon ang tatlo pa matapos na mahulog ang motorsiklo bangin kaninang ala-una ng madaling araw, Abril 26, sa Barangay Pigdeg, bayan ng Tubao, La Union.

Dead on arrival sa La Union Medical Center, ang biktimang si Richard Pascual, 28, may ari at drayber ng motor.

Inoobserbahan naman ang tatlong kritikal pa nitong angkas dahil sa tinamong pinsala sa katawan.

Ayon sa ulat ng La Union Police Provincial Office, sakay si Pascual at tatlo pang kasama sa iisang motor at tinatahak nila ang kahabaan ng Rosario-Tubao Provincial Road sa nasabing lugar nang mangyari ang aksidenete.

Nabatid na nawalan ng kontrol ang motorsiklo sa palikong bahagi ng kalsada at doon na dumirediretso sa 15 talampakang lalim ng bangin. Alex Luiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply