2 patay sa salpukan ng motorsiklo at trak

UTAS ang dalawang taong sakay ng motorsiklo nang mabundol ito ng isang 10-wheeler truck kaninang Martes ng madaling araw, April 26, sa Pasay City.

Kinilala ang mga biktimang sina John Aldrin Mores, 17, estudyante, driver, residente ng 2265 Leveriza St., Malate, Manila at Godofredo Ocmer, Jr., 17, estudyante, residente ng Bulaklak St., Malate, Manila.

Dinala pa sa Pasay City General Hospital ang mga biktima subalit binawian din ng buhay sanhi ng pinsalang tinamo sa ulo at pagkakabali ng buto sa katawan.

Sa report ni SPO1 Alberto Ignacio, naganap ang insidente dakong 3:05 ng umaga habang ang Isuzu truck 10-wheeler truck (BAG-428) na minamaneho Orlando Pajarit, 41, residente ng Ramos Compound Holy Cross, San Bartolome, Novalichez, Quezon City ay binabagtas ang kahabaan ng Roxas Boulevard nang biglang sumulpot ang sinasakyang Honda motorcycle ng mga biktima (SF-9090) na minamaneho naman ni Aldrin.

Sa puntong ito, nagkabungguan ang dalawang sasakyan na ikinamatay ng mga biktima.

Nahaharp ngayon si Pajarit, ang driver ng 10-wheeler truck, sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide  and  damage to property. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply