Motorsiklo sumalpok sa poste, 2 riders tigok

PATAY ang magkaangkas sa motorsiklo makaraang sumalpok ang kanilang sasakyan sa konkretong poste ng mga ilaw sa San Mateo Road, Batasan Hills, Quezon City kaninang madaling-araw.

Kinilala ang mga biktima ni Supt. Arnold Santiago, hepe ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit (QCDTEU) na sina Ryan Centino, ng 124 –D Katuparan St., Brgy. Commonwealth, Quezon City at  Junelle  Buquia, 24, ng 20 Bayani St., Concepcion 1, Marikina City.

Sina Centino at Buquia ay idineklarang  dead–on–arrival sa pagamutan  dahil sa tinamong matinding pinsala sa kanilang katawan.

Base sa report  ni Major Sabio,  dakong 1:15 ng madaling-araw nang maganap ang sakuna sa kahabaan ng San Mateo Road, Batasan Hills.

Galing sa Marikina City ang minamanehong Yamaha motorcycle (9955-UB) ni Centino sakay si Buquia nang pagsapit sa North View 1 ay bigla na lamang sumalpok sila sa konkretong poste ng mga ilaw sa gilid  ng kalsada.

Sa lakas ng pagkakasalpok ay kapwa humapas sa sementadong kalsada ang mga biktima na naging sanhi ng kanilang maagang pagkamatay. Alex Ching

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply