MPD, city hall nangongotong sa vendors

KABI-KABILA ang lagayan at kotongang isinasagawa ng ilang miyembro ng Manila Police District (MPD) at ilang tanggapan ng Manila City Hall laban sa mga simpleng vendors sa mga palangke sa Maynila, ayon sa mga biktima mismo ng mga buktot na mga pulis at kawani ng lokal na pamahalaan.

Partikular umanong nabibiktima ang mga nagtitinda sa Divisoria sa Tondo, Maynila.

Kabilang din sa mga palengke kung saan aktibo ang mga mangongotong ay ang nasa Blumentritt, Quiapo, Trabajo, at Binondo.

Ilan sa mga inirereklamo ng mga vendor ay ang “malulupit” na mga pulis ng MPD station 1 sa Balut at Station 2  sa Moriones, Tondo at Station 3 sa Quiapo  at Station 11 sa Binondo.

Umano, mahigit daang libong piso kada linggo ang koleksyong nakukuha hindi lamang ng mga pulis kundi maging ilang tauhan ng Manila City Hall  mula sa mga simpleng nagtitinda.

Himutok ng mga nabibiktima na masyado na umanong marami ang nanghihingi sa kanila kaya’t hindi na sila nagagandahan sa nangyayari.

Anila, nais nilang mabuhay kahit sa pagkain lang napupunta ang ang kinikita nila, huwag lamang bulabugin ng mga opisyal na nabanggit ang operasyon ng kanilang pagtitinda.

Ilan sa mga unit ng City hall na gusto nilang mawala sa kotongan ay ang Mayor’s Complaints and Action Team o MCAT, na doble manghingi ng lagay kay “Rey Baba Nicolas,” dating pulis-Maynila na nasibak sa serbisyo.,

Ultimo bertdey ng kung sinumang opisyal ay hinihingi nitong  si “Baba”  sa mga vendors. Dahil dito, lalong nagigipit ang mga nagtitinda. Alex Ching

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply