Mr. Bean imbitado sa Royal Wedding

ISA si Mr. Bean o ang aktor na si Rowan Atkinson sa mga imbitado sa kasalang Prince William at Kate Middleton sa ika-29 ng Abril ngayong taon.

Makakasalamuha ni Mr. Bean ang mga kilalang mga celebrities na inimbitahan na sina Soccer superstar David Beckham at Sir Elton John.

Nakatakdang dumalo rin ang mga kaanak ni Princess Diana, ang nanay ni Prince William.

Kinukuwesityon naman ng ilan ang seating arraignment sa simbahan kung saan makakasama ng mga kaanak ni Princess Diana ang mga kaanak ni Kate. Dapat umano’y magkakasama ang mga kaanak ng bride at sa kabila naman ay ang mga kaanak ng groom.

Matatandaang hindi na naging maganda ang relasyon ng royal family at ang mga Spencers simula nang atakihin sa isang pagsasalita ng kapatid ni Diana na si Charles Spencer ang royal family noong burol ng prinsesa taong 1997.

Nakatakda ring pumunta ang mga miyembro ng iba’t ibang royals sa buong mundo kabilang dito ang Denmark, Norway, Spain, Saudi Arabia, Thailand at Morocco. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply