MRT tumirik na naman

NAGKAABERYANG muli ang biyahe ng Metro Rail Transit (MRT) nang tumirik ang isa sa mga tren nito sa Edsa ngayong Lunes ng umaga.

Ayon kay Hernando Cabrera, spokesman ng Light Rail Transit Authority (LRTA), pansamantalang natigil ang operasyon ng MRT nang humina ang power supply nito at natigil ang tren nito sa istasyon sa Shaw Blvd.

Patungong northbound ang tren nang magkaroon ng aberya.

“There was a five-minute delay in the trip due to the incident,” paliwanag ni Cabrera.
Ang tren ay dinala sa depot para suriin ang makina nito.

Samantala ipinahayag ni Cabrera na nitong nakaraang Miyerkules, 45 kompanya ang nagpahiwatig ng kanilang intensiyong balikatin ang maintenance at repair ng mga tren ng MRT at LRT. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply