Mubarak inatake sa puso

NASA intensive care unit sa Sharm el-Sheikh hospital si dating Egyptian President Hosni Mubarak matapos itong atakin sa puso habang kausap ang mga public prosecutors na nagsasagawa ng imbestigasyon sa pagpatay sa maraming protestors at ang alegasyon na kurapsiyon laban sa kanya.

Nabatid na kasama ni Mubarak ang mga anak niyang sina Alaa at Gamal na iniimbestigahan sa prosecutor office sa al-Tor sa South Sinai nang atakihin ito at dali-daling isinugod sa ospital.

“There is a state of confusion inside the hospital and only patients are allowed in,” ayon sa Nile TV reporter na si Ashraf Swaylam.

Napag-alaman din na hindi na umano tumatanggap ang hospital ng iba pang pasyente maliban na lang kung ito ay emergency.

Dahil dito, nang mabatid ng mga protestors na nasa ospital si Mumbarak, nagpiket ang mga ito dala-dala ang kanilang placard na may nakalagay na “Here is the butcher”.

Si Mubarak ay sapilitang pinababa sa puwesto noong Pebrero 11, 2011 matapos mag-protesta ang libu-libong tao sa Ehipto laban sa kanyang pamamahala na tumagal ng 18 araw. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply