Muslim tinodas sa Islamic Center

DEAD on the spot ang isang muslim  matapos pagbabarilin sa loob ng Islamic Center  sa Quiapo, Maynila Lunes ng hapon, Abril 11, sa Quiapo,Maynila.

Kinilala lamang ang biktima sa alyas na Anwar, tinatayang nasa edad na 30 hanggang 35, tubong Maranao at nakatira sa Green Mosque, San Miguel, sa nasabing lugar.

Sa report ni SPO3 Danilo Vidad, ng MPD-Homicide Section, dakong alas 4:20 ng hapon nang maganap ang pamamaril sa biktima kung saan nagtamo ito ng limang tama ng bala ng  .45 kalibre ng baril sa iba’t-ibang parte ng katawan.

Sinabi naman ni Kagawad Mickey Ambiong ng Brgy. 648 Zone 67 District 6 na hindi umano residente ng Islamic Center ang biktima.

Tumanggi namang magpaimbestiga at magbigay ng detalye  ang ilang mga residente sa lugar ayon na rin sa naging tradisyon ng mga Muslim. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply