Nababawasan ang load? Posibleng na-Bin Bit ka

MARAMI-RAMI na ang naeengganyong mag-subscribe sa isang content service provider na nagbibigay umano ng libreng “downloadable content.”

Pero libre nga ba?

Tuloy-tuloy pa rin ang pamamayagpag ng tinaguriang “text spam” messages na ang akala ng marami ay mula telecommunication companies tulad ng Globe, Smart at Sun.

Ang pag-aakala ng milyun-milyong gumagamit ng cell phone ay promotional campaign ang mga ito ng mga network na Globe, Smart at Sun kaya’t libre ang mga ito.

Kabilang sa inaalok ay “libreng” news, horoscope, ring tones, true tones, games at themes.

Ngunit magugulat na lamang ang mga nag-subscribe na cell phone users dahil nakakaltasan na sila ng P10 bawat beses sa mga pre-paid load nila.  Dalawang beses sa loob ng isang araw ito nangyayari, ayon sa mga nabiktima.

Ang may pakana ng ganitong modus ay ang kompanyang Bin Bit, na gumagamit ng numerong 2474.

At tila walang ligtas o oportunidad makatakas oras na mag-subscribe ang cell phone users sa mga produkto ng Bin Bit.

Ang mga naghahanap upang maialis ang subscription nila sa mga produktong nabanggit ay hindi nagtatagumpay kahit ano kanilang gawin.

Matatandaang minsan nang nabiktima si Senate President Juan Ponce Enrile noong 2009 ng katulad na panloloko.

Agad nagpaumanhin ang Globe at ang pakiwari ng publiko ay nahinto na ang ganitong panglalansi sa kanila.

Hindi pala. Kung nahinto man ay nagpalamig lamang. Ngayon ay lumitaw itong muli. Jun Ferrer

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply