Nagkadayaan sa tagay, 2 sekyu nagrambol

HUMANTONG sa umaatikabong suntukan ang inuman ng dalawang security guard matapos magtalo dahil sa dayaan sa tagay sa Quezon City Lunes ng umaga.

Kinilala ang nagsuntukan na security guard na sina Charlie Malubay, 25, security guard ng Lamesa Dam, Novaliches Quezon City at Gerald Dakila, 28, ng Don Enrique, Brgy. Holy Spirit, nasabing lungsod.

Ayon sa imbestigasyon ni QCPD PO3 Alvin Oballo, naganap ang insidente dakong 1:15 ng umaga sa harap ng pinagtratrabahuan ng dalawa sa Wood Plaza sa Commonwealth Holy Spirit.

Nag-iinuman ang dalawa nang magtalo kung kanino ang susunod na tagay.

Sa puntong iyon, napikon si Dakila kaya hinamon ng suntukan si Malubay na agad namang sumang-ayon sa hamon ng una.

Naawat naman ang dalawa nang dumating ang mga barangay tanod sa lugar. R.A. Marquez

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply