Salesman na nagtanong ng nawawalang asawa, pinatay

PATAY ang isang sales agent matapos na pagtulungang tagain ng may-ari ng bahay at ng kasabwat nito na kanyang pinagtanungan ng kinaroroonan ng kanyang asawa kagabi sa Antipolo City.

Kinilala ni Antipolo City chief of police, P/Supt. Rodino Elfa, ang biktima na si Lolito Paghubasan, 32, ng Block 34, Lot 51, Crisantemum St., ng nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Marlon Lozano, 37, may asawa, kapitbahay ng biktima; at ang kasama nitong isang ‘John Doe’.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-diyes ng gabi sa harap ng bahay ng suspek, kung saan nagtanong lamang ang biktima kung nasaan ang kanyang asawa.

Nairita ang suspek kung kaya’t umabot sa mainitang pagtatalo hanggang sa pagtulungang patayin ng mga suspek ang biktima.

Ang biktima ay nagtamo ng isang tama ng taga sa kanyang leeg at isa sa kaliwang balikat na siyang naging dahilan ng agarang kamatayan nito.

Sinisilip ng pulisya ang anggulong “love triangle” sa naganap na pamamaslang.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply