Nahuhuling sasakyan ilalagay sa website ng MMDA

SINIMULAN nang ilagay ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kanilang website na www.mmda.gov.ph ang larawan ng mga sasakyang nahuhuling lumalabag sa itinakdang 60-kilometrong bilis sa Commonwealth Avenue kahit pa sasakyan ito ng gobyerno.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, layunin ng kanilang hakbang na ipabatid sa mga motorista at sa publiko na wala silang kikilingan o sisinuhin sa seryoso nilang programa laban sa mga kaskasero at pasaway na tsuper.

Binigyang diin ng MMDA chief na ginagawa nila ang naturang hakbang upang bigyan  na rin ng proteksiyon ang publiko, partikular na ang mga pedestrians at mga mananakay.

Tiniyak ng MMDA na hindi makakaligtas sa kanilang mga nakalagay na camera ang mga motoristang lalabag sa itinakdang 60-kilometer speed limit na kanilang iisyuhan kaagad ng tiket sa ilalim ng programang No Physical Contact Apprehension.

Ipinagmalaki ng MMDA na mula nang ipatupad ang naturang programa, wala pang nangyayaring grabeng aksidente sa naturang lansangan bagama’t umabot na aniya sa mahigit 7,000 motorista ang kanilang natitikitan.

Dahil dito, masusing pinag-aaralan na ng MMDA ang pagpapatupad ng naturang programa sa kahabaan ng Roxas Boulevard, Macapagal Avenue at Osmena Highway na madalas pangyarihan ng aksidente. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply