Naitalang kaso ng diarrhea sa Palawan nasa 114

NASA 114 na ang naitalang kaso ng diarrhea sa Palawan at mahigit sa 20 nito ay namatay dahil dito.

Ayon kay Dr. Eric Tayag, chief ng Department of Health (DOH) National Epidemiology Center, pawang mga kabilang sa tribo ng Palawan ang namamatay.

Hinala ng ahensya na nagsimula ang virus na naging dahilan ng diarrhea outbreak sa nasabing lugar ay dahil sa tubig mula sa mga balon na kanilang iniinom.

Bunga nito, pinayuhan na ni Tayag ang mga residente doon na pakuluang mabuti ang inuming-tubig. Alex Luiz

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply