Namatayan na, pinagnakawan pa

DOBLE pighati ang inabot ng isang ginang matapos limasin ng mga magnanakaw ang kanyang pera, alahas at gamit sa bahay habang nakaburol ng asawa sa isang punenarya sa Malabon City Biyernes ng madaling araw.

Nadakip naman sina Dario Urdaneja, 29, Jaymark Orbaneja, 19, Futoshi Aquino, 19, at Roberto Rapada, 22, pawang mga taga-Barangay Tugatog sa nasabing lungsod.

Isa pang kasama nila na kilala sa bansag na “Bruce Lee” ang pinaghahanap pa ng mga awtoridad.

Ayon sa biktimang si Victoria Burce, 59, umuwi siya ng bahay mula sa Floresco Funeral Parlor dakong 1:20 ng madaling araw at natagpuan niya ang kanilang bahay na nagkalat ang gamit.

Wala na ang pera at mga alahas na nagkakahalaga ng P400,000 sa mga lalagyan nito. Gayundin ay nawala na ang mga gamit sa bahay.

Agad humingi ng tulong sa mga pulis si Burce.

Isang saksi ang nagsabi na nakita niya ang mga suspek na palabas ng bahay ng biktima.

Dahil dito ay tinugis at dinakip ng mga awtoridad ang mga suspek, subalit nakatakas umano si Bruce Lee dala ang mga nakulimbat.  Rene Manahan

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply