Namigay ng yosi pinatay sa saksak

PATAY ang isang factory worker matapos saksakin ng isang binatilyo na kanyang inalok ng sigarilyo Martes ng madaling araw, Abril 19, sa Pasig City.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jolan Osin, 24. Kaagad naming naaresto ang suspek na si Mark Castillo, 18.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng madaling araw  sa tapat ng isang tindahan sa Callejon st., Brgy. Maybunga, Pasig City.

Nabatid na papauwi na ang biktima kasama ang kaibigang si Jan Michael Quindoza nang dumaan ito sa isang tindahan para  bumili ng sigarilyo.

Nagkataon namang nakatambay ang suspek kung kaya’t inalok ito ng biktima na sa halip na magpasalamat ay inundayan pa ng saksak sa tiyan.

Tinangkang tumulong ni Quindoza ngunit inambaan siyang sasaksakin ng suspek kaya’t hinayaan na lang niya itong makatakas at saka niya isinugod sa pagamutan ang biktima.

Sa himpilan ng pulisya  inamin nito ang krimen ngunit sinabing wala siyang planong patayin ang biktima at sa halip ay takutin lamang upang hindi sya pagtripan nito dahil bagong lipat lamang siya sa lugar. Jhie Convocar

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply