Napipintong krisis sa bigas panloloko lang – Rep. Casiño

ITINUTURING ni Bayan Muna Rep. Teddy Casiño na panloloko lamang ang National Intelligence Coordinating Agency (NICA) report ukol sa napipintong krisis sa bigas.

Sinabi ni Casiño na kaduda-duda ang biglang pagpapalutang sa Feb. 20 report ng NICA.

May hinala ang mambabatas na sinadyang ipakalat ang balitang ito upang mapigilan ang mga protesta laban sa posibleng pagtataas sa presyo ng bigas.

Binatikos din ng kongresista ang NICA dahil sa umano’y pagpapagamit  sa mga private rice importers na aniya’y nagbabalak na solohin ang importasyon sa may 600,000 metriko-tonelada bigas. Meliza Maluntag

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply