Nasakal pati tonsillitis: Jennylyn tuloy habla kay Dennis Trillo

ANG gusto  turuan ng leksiyon ni Jennylyn Mercado ay ang kanya diumanong boyfriend na si Dennis Trillo. But as of this writing ay tahimik muna ang kampo ni Jen. Naduro yata ni Popoy Carotativo.

Sinakal daw ng aktor ang aktres. Para namang hindi kapani-paniwala ito. But granted na totoo nga, aba’y kao-opera lang ng tonsilitis ni Jen Kaya hindi biro ang ganitong pananakit kung totoo nga.

Nakakalimot na ba si Dennis sa nakaraan? Pinatatawad siya ng fans kahit na sabay niyang sinaktan ang damdamin nina Cristine Reyes at Carlene Aguilar(?).

Hindi lang imahe ni Dennis ang nakasalalay rito kundi career na rin dahil kung tutuluyan siya ni Jen na ihabla ay lalabas ang totoo at siyempre puwede siyang makulong.

Mga utoy at ineng … sa lipunang makatao, walang puwang ang karahasan!

oOo

Hindi nauunawaan ng mga tao kung bakit pilit na ipinamamalitang banta talaga sa career ni Sarah Geronimo ang isang baguhang Angeline Quinto.

Naging magkatunggali sila noong 2003 sa “Star For A Night” na si Sarah ang champion. Pero ni hindi naging second placer si Angeline.

Pagod na sa kapapaliwanag ang Pop Princess na wala siyang problema sa dati niyang kalaban sa competition na ngayon ay nagwagi naman sa show ni Sharon Cuneta kaya contract star na ng Star Records.

Kasi hindi naman si Sarah ang insecure kundi ang ilang bossing ng Kapamilya network.

Viva artists si Sarah at puwede siyang hugutin ni Boss Vic del Rosario para ilipat sa ibang network pagkatapos ng kontrata sa Dos.

RICO J. PUNO KABASTUSAN PINALUSOT NG MGA CEBUANO

Sinabi ni Rico J. Puno  na pinakamagandang gobernadora sa ‘Pinas si Madam Gwen. Sabay tanong ni Corics kung sino ang doktor niya, Vicky Belo ba o Pie Calayan?

May isang napikon na Bokal na si Arleigh Sitoy. Nagpanukala siya na maging persona non-grata
si Rico J. sa Cebu.

Pero ipinabawi ito ng gobernadora sabay sabi na hindi daw dapat seryosohin ang biruan kahit in public places.

NASA-MATA LANG ANG MALISYA

Kambiyo tayo ng paksa…

Ayaw tigilan si Willie Revillame ng mga detractors niya.

Ang batang si Jan Jan ay walang alam sa malaswa niyang sayaw sa “Willing Willie” dahil ginagaya pala niya si Hayden Kho sa isang video scandal.

Hangga’t hindi sila tahasang tumutuntong sa kalaswaan malaya sila. At basta responsibilidad ni Rico ang sarili at si Jan Jan bantay-bantay ng kanyang mga magulang.

Minsan kasi naman… ang manonood ang malisyoso. Benjie Felipe

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply