Nasunugan sa Makati, sa semenaryo ang Semana Santa

SA SEMINARYO sa Guadalupe magse-Semana Santa ang mahigit na 800-residente na naapektuhan ng sunog kahapon, Abril 19, sa Laperal Compound sa lungsod ng Makati.

Sa naturang seminaryo na sila nagpalipas ng magdamag matapos matupok ang kanilang mga kabahayan at mga mahahalagan gamit.

Pinalakas naman ang loob ng mga apektadong residente makaraang bisitahin sila ni Bishop Roderick Pabello at pinayuhan na bumangon dahil isa lang itong pagsubok.

Dalawa ang nasugatan sa naturang sunog kabilang na ang isang buntis. Naiwan na kalan ang naging sanhi ng sunog ayon sa paunang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply