‘National Sports University’ isusulong

MULING nanawagan si Sen. Edgardo Angara sa pagkakaroon ng isang National Sports University na naglalayong suportahan ang mga atletang Pinoy sa bansa.

Ang pahayag nito ni Angara ay alinsunod na rin sa naganap na bilateral sports agreement sa pagitan ng Pilipinas at bansang Tsina para sa maigting na pagsasanay ng mga atletang Pinoy bilang paghahanda sa 2012 Olympics.

Ayon sa Philppine Sports Commission (PSC), nakapaloob sa Memorandum of Understanding na maaaring magpadala ang Pilipinas ng mga atleta sa iba’t-ibang sports centers sa Tsina upang makapagsanay.

“To fully develop Philippine sports, we must be creative and proactive in our approaches. If we pay more attention and pour in more resources to sports development, we will excel in many other fields,” ani Angara.

Dahil dito, muling iginiit ni Angara ang inihain nitong Senate Bill No. 48, “An Act Creating the Philippine Sports University, and for Other Purposes”  sa unang araw pa lamang ng pagbubukas ng 15th Congress.

Ang nasabing panukala ay tinatawag din na Philippine Sports University Act of 2010 na naglalayong bumuo ng isang institusyon na para lamang sa mga pangangailangan ng mga atletang Pinoy upang makasigurong makapag-produce ang bansa ng mga world-class athletes at leaders na magiging modelo sa larangan ng Philippine sports.

“Skill, endurance and competition are innate to Filipino athletes, therefore we must nurture their talent and create opportunities for growth. By integrating the values of sportsmanship and academic excellence into their educational curriculum, we will be able to produce outstanding sport leaders, globally competitive athletes and elite coaches,” diin ni Angara. Vicky Cervales

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply