Nawalang saksi sa Maguindanao massacre lumutang na

LUMUTANG na sa korte ang nawalang medico-legal officer upang mailahad ang kinalabasan ng awtopsiyang kanyang isinagawa sa ilang biktima ng karumal-dumal na Maguindanao massacre.

Nagsalaysay at ipinaliwanag ni Dr. Tomas Dimaandal, Jr., ang kanyang autopsy report sa pagpapatuloy ng paglilitis ngayon, Abril 7, sa sala ni Quezon City Regional Trial Court (QC RTC) Presiding Judge Jocelyn Solis-Reyes.

Naunang napaulat na nawawala si Dimaandal at kinailangan pang magpalabas ng subpoena ng korte para maobliga itong humarap sa hukuman.

Binigyang-linaw ni Dimaandal sa witness stand ang resulta ng kanyang isinagawang awtopsiya sa abogadong biktima na si Cynthia Oquendo.

Base sa authopsy report, kumpirmadong namatay ang abogado dahil sa mga tinamong tama ng bala sa sa iba’t ibang bahagi ng katawan, ayon kay Dimaandal.

“The victim sustained 12 gunshot injuries. She died because of multiple gunshot wounds,” pahayag pa ni Dimaandal.

Nalaman din sa pagsusuri ni Dimaandal na galing sa iba’t ibang direksyon ang pinanggalingan ng mga bala, ibig sabihin nasa magkakaibang posisyon ang bumaril o mga bumaril sa abogado.

Si Dimaandal din ang nagsagawa ng awtopsiya sa bangkay ng ama ng abogado na si Catalino Oquendo at sa journalist na si Alejandro Reblando.

Pansamantalang itinigil ang paglilitis bunsod na rin ng kahilingan ng prosekusyon na ipagpatuloy na lamang ito sa ibang araw sapagkat nagpapakita na ng senyales ng kapaguran ang testigo.

Nakatakdang basahan ng sakdal ang dalawa pang akusado na sina SPO2 Badawi Bakal at civilian volunteer Nasser Esmael, ngayon, Abril 7 sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Si Bakal ay nagboluntaryong maimbestigahan. Robert C. Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply