1 pang piloto ng bumagsak na eroplano natagpuan na

NATAGPUAN Biyernes ng tanghali ng mga tauhan ng search-and-rescue team ang isa pang bangkay ng pilotong trainer ng Philippine Air Force (PAF) na bumagsak sa dagat sa bayan ng Bagac, Bataan, nitong nakaraang Huwebes.

Ayon kay PAF spokesman Lt. Col. Miguel Ocol, nakita na ang bangkay ni Capt. Reymond de Leon sa karagatan ng Bagac, Bataan.

“The search had been continuous and the cadaver was recovered last night,” ani Ocol.

Nabatid na si De Leon at ang kasamang PAF pilot na Maj. Ephraim Suyon ay kapwa na routine proficiency flight nang bumagsak ang kanilang sinasakyang Aermachi S-211 trainer jet dakong alas-tres ng hapon noong Huwebes.

Ang sunog na bangkay ni Suyon ay agad na nakuha sa crash site ng mga tumulong na mamamayan.

Sa kasalukuyan ay inaalam pa ng awtoridad ang dahilan kung bakti bumagsak ang eroplanong sinasakyan ng mga biktima.

Kaugnay ng naganap na insidente, anim na trainer planes ang “grounded” habang hindi pa nababatid sa isinasagawang imbestigasyon ang dahilan kung bakit nag-crash ang nasabing trainer jet.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply