NCR nilindol ng may 5.3 magnitude

NIYANIG ng lindol ang Metro Manila na may magnitude na 5.3, madaling-araw ng Sabado, Abril 9.

Nabatid sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na bandang 2:29am nang yanigin ng lindol ang NCR.

Ayon sa ulat, ilang residente ang ginising ng pagyanig sa paggalaw ng Manila trench.
Ang naturang pagyanig ay may tectonic in origin na may lalim na 83 kilometro at posibleng masundan ng aftershocks.

Namataan ang epicenter nito sa may 36 kilometro sa timog kanluran ng Lubang Island sa Mindoro.

Naramdaman ang intensity III sa Quezon City; Manila; Makati; Marikina at Guiguinto, Bulacan.

Kasalukuyan namang inaalam ng awtoridad kung may naitalang pinsala at nasaktan. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply