NCRPO naka-full-alert sa Holy Week

SIMULA ngayong Miyerkules, Abril 13 ay naka-full-alert na ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) para sa Semana Santa.

Ayon kay NCRPO Chief Nicanor Bartolome, magdadagdag sila ng mga tauhan sa mga matataong lugar tuwing Holy Week gaya ng bus terminals, istasyon ng ng MRT, LRT Line 1 at 2, mga mall,  pantalan at paliparan upang tiyakin ang kaligtasan ng mga tao.

Aniya, mayroong magrorondang tauhan ang NCRPO na naka-motorsiklo at patrol car at maghihigpit din ang mga checkpoint.

Maliban sa Kalakhang Maynila, ilalagay din ng sa full alert ang buong bansa. Alex Luiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply