Negosasyson sa dinukot na 15 katao sa Agusan hinihilot na

BUMALIK ang government negotiators sa kagubatan ng Pilipinas kanina para himukin ang tribal gunmen na palayain na ang 15 hostages kapalit ng kalayaan ng kanilang kamag-anak.

Sinabi ng awtoridad na ang tropa ng pamahalan na pinamumunuan ng isang local social worker, ay pinayagang makapasok sa isang police cordon papasok ng forested area na pinaglalagyan ng mga hostage.

Kinumpirma rin ni Alvin Magdamit, ang mayor ng  La Prosperidad sa lawless Mindanao region na pinangyarihan ng insidente kamakalawa, na patuloy ang pag-uusap para malutas nang tahimik ang 1 day-old hostage crisis.

“I don’t have a timeline because the outcome is still in the hands of the negotiators, but we are very hopeful that we will be able to resolve the issue soon,” pahayag ni Magdamit.

Binigyan aniya ng pamahalaan ang mga negosyador para ituloy ang pag-uusap kapag nalaman nila na ang hostages na kabilang ang ilang titser at dalawang mag-aaral ay buhay pa at hindi sinasaktan.

May anim na armadong kalalakihan na mula sa Manobo tribe ang tumangay sa hostages at dinala sila sa isang logging area noong nakaraang Sabado para mapilitan ang gobyernong palayain ang kanilang kamag-anak na inaresto at kinasuhan ng parehong kasong kidnapping noong 2009.

Iginiit naman ni Magdamit na walang awtoridad ang mga negosyador para ipalit ang hostages sa mga nakakulong na sina  Ondo Perez, at tatlo pang kasabwat.

Pinabulaanan din ni Magdamit ang ulat na tinangkang saktan ng mga suspek ang kanilang bihag kapag hindi nasunod ang kanilang kahilingan.

Hindi naman tumawag si Magdamit na ikinasa ng AFP kanina.

Si Perez at tatlong kasabwat nito ay nakulong dahil sa pagdukot sa 79 katao mula sa nasabing lugar noong 2009, na parte ng long-running feud sa kanilang kalaban na Manobo clan. Robert C. Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply