Negosyante binihag sa Cotabato

BINIHAG ang isang negosyanteng Tsino ng pintong kalalakihan kagabi, April 1, sa Cotabato City.

Ayon sa ulat, nakilala ang biktima na si Jinky Yap, 38, may-ari ng isang tindahan.

Nabatid na pinasok ng pitong mga lalaki ang tindahan ng biktima sa Sinsuat Avenue, corner Pansacala St., at agad na tinangay si Yap.

Dahil dito, naglunsad ng hot pursuit operation ang mga pulis kung saan na-recover ang van na ginamit na getaway vehicle na iniwan lamang na nakaparada sa Sitio Kamasi, Biniruan, Poblacion 9, Cotabato City.

Hindi pa malaman ng mga awtoridad kung sino ang responsable sa bagong kidnapping incident. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply