Negosyante dinukot sa Cotabato

ISA na namang mayamang negosyante ang sapilitang tinangay ng mga armadong kalalakihan Biyernes ng gabi, Abril 1, sa lungsod ng Cotabato ayon sa pinagsamang ulat ng military at pulisya.

Ayon kay  Army Col. Leopoldo Galon, tagapagsalita ng AFP Western Mindanao Command, patuloy ang isinasagawang hot pursuit operation ng mga tauhan ng Philippine Marines at mga elemento ng Cotabato PNP sa mga dumukot sa negosyanteng Tsinoy na kinilalang si Jinky Yap, may-ari ng Aly Merchandize sa Pansacala, Mother Barangay Rosary Heights, Cotabato City.

Sinabi naman ni Dir. Felicisimo Khu, director ng PNP Directorate for Integrated Police Operation (DIPO), na-recover na nila ang van (SDK-452) na ginamit na getaway vehicle ng mga suspek.

Inabandona umano ito sa Sitio Kamasi, Biniruan, Poblacion 9, Cotabato City.

Hindi pa malaman ng mga awtoridad kung sino ang nasa likod ng bagong kidnapping incident na hinihinalang posibleng isang kaso na naman ng kidfnapping for ransom.

Kaugnay nito, inihayag pa ni Gallon na kasalukuyang ng tini-trace ng mga awtorodad ang kakikilanlan ng may ari ng ginamit na getaway vehicle. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply