Negosyante sinalisihan habang nagbabakasyon

TUMATAGINTING na P500,000 halaga ng ibat-ibang uri ng  gintong alahas, dolyar at baril ang tinangay ng mga magnanakaw sa isang negosyante habang ito ay nagbabakasyon nitong Semana Santa.

Naaresto naman ang mga suspek na sina Dave Irvin Pelina, 20, Reynaldo del Rosario, 23, at dalawang menor de edad na itinago sa pangalang Cedric at James.

Sa report kay Manila Police District-Station 7 Commander, P/Supt. Ernesto Barlam, naganap ang panloloob sa bahay ng biktima na si Rosalinda Fernadez, 64, sa pagitan ng oras na 1:00 ng madaling araw at 8:00 ng umaga Biyernes, Abril 22, habang ito ay nagbabakasyon.

Matapos na mapansin ng biktima na nawawala ang mamahaling gintong alahas, dolyar at isang .38 snub nose na kalibre ng baril ay agad siyang nagtungo sa istasyon ng pulisya upang ireport ang insidente.

Agad namang nagsagawa ng follow-up operation sa pangunguna nina P/Insp. Jeffrey Dall, PO3 Napoleon Reyes, PO2 Rennel Perez at PO1 Jessie Rabonel.

Sa koordinasyon ni Chairwoman Josie Lozano ng Brgy.210 Zone 19, District 2 at hinalughog ng pulisya ang lugar na pinaghihinalaang pinagtataguan ng mga suspek na nagresulta ng pagkakaaresto ng mga ito.

Sa imbestigasyon, nagbakasyon umano ang biktima kasama ang kanyang pamilya sa Marilao, Bulacan noong Huwebes pero tiniyak nilang sarado ang lahat ng pintuan at bintana ng kanilang bahay.

Gayunman, nang bumalik na sila sa bahay kinabukasan ay nagulat sila nang makitang sinira ang kanilang pintuan at binata kung saan nadiskubre nilang nilooban sila ng magnanakaw matapos na sapilitang sirain ang locker na pinaglalagyan ng kanilang mamahalin at sari-saring alahas.

Isang ‘di nagpakilalang kapitbahay naman ang nag-imporma sa biktima na ang mga nabanggit na suspek ang pumasok sa bahay nito umaga ng Abril 22 habang sila ay nagbabakasyon

Narekober naman ang mga alahas, dolyar at .38 kalibre baril na ninakaw ng mga suspek.

Ang mga suspek ay dinala na sa MPD-Theft and Robbery Section at nakatkdang sampahan ng kaukulang kaso. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply