Negosyo luging-lugi na sa mahal na langis at toll

KUNG negosyante ka, aaray at aaray ka sa nagaganap sa mga lansangan.

Yun bang === tiyak na malulugi ka.

Maiisip mo tuloy kung magpapatuloy ka pa sa pagnenegosyo o hindi na.

Ito ang mga iisipin natin, mga Bro.

Ilang buwan lang ang nakararaan, ang P1,000 na pambili mo ng diesel para sa iyong delivery truck ay katumbas ng nasa 30 litro.

Ngayon, 20 litrong diesel na lang ang mabibili ng P1,000.

Ang 10 litro na nilalamon ng mga kompanya ng langis, at ang pamahalaan na rin dahil nagpapatong ito ng 12% expanded value added tax sa petrolyo, ay katumbas ng 100 kilometrong biyahe para sa matipid na makina.

Akalain mong nabawas sa iyong biyahe ang kasinghaba ng distansiyang mula sa Luneta hanggang sa boundary ng North Luzon Expressway at Subic-Clark-Tarlac Expressway.

Pag bumiyahe ang iyong truck at negosyo sa mga highway na nagdoble o nagtriple ang mga toll at isama mo ang iyong gastos dito at gastos sa petrolyo, masisiraan ka ng ulo sa kaiisip kung kumikita ka pa o nalulugi na.

Eh ang dami pang pinagkakagastusan sa lansangan, kabilang na ang mga kotong cop, multa at tubos sa lisensiya ng driver na hinuli sa dispalinghadong mga traffic light, napakamamahal na piyesa ng mga sasakyan at marami pang iba.

Kapag nakapag-deliver ka naman ng produkto sa mga tindahan, hindi mo alam kung mabibili ang mga ito o hindi dahil napakatumal o napakahina naman ang purchasing power ng mamamayan sa baba ng sahod ng mga ito.

oOo

Talaga namang grabe ang mga nagaganap, mga Bro.

Ang mga nabubuhay na lamang ay ang mga may-ari ng mga kompanyang langis, operator ng mga highway, kotong cops at ang gobyerno.

Sila na lang ang pinalalamon ng mga negosyante at mamamayan.

Ang masama, tila walang kabusugan ang mga ito at hangga’t may malalapa silang mga buto at laman ng mga negosyante at mamamayan, hindi tumitigil ang mga ito.

Nakatatakot isiping ang mga gumagamit ng balota para sa pagbabago ay makaisip na kumapit sa patalim sa kalaunan.

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply