Neneng pinilahan ng 15 kainuman

MASAKLAP ang sinapit ng isang 15 anyos na dalagita matapos lasingin at pilahan ng 15 kalalakihan ang murang katawan nito sa Navotas City noong Abril 16.

Kasama ng kanyang mga magulang, pormal nang naghain ng reklamo sa pulisya ang biktimang itinago sa pangalang Marimar, 15 at residente ng NBBS ng nasabing lungsod.

Kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng Navotas Police Station ang apat sa 15 suspek na nahaharap sa kasong rape in relation to 7610 (Anti-Child Abuse Law), kabilang ang isang Rupert Martinez 21, binata, laborer at dalawang may edad na 15 at isang 17, na pawang residente ng naturang lugar.

Pinaghahanap naman ng awtoridad ang 11 kasamahan nito na nagsitakas matapos na isakatuparan ang kahayupan.

Sa nakalap na impormasyon sa Women’s and Children Protection Desk (WPCD) ng Navotas-police dakong 12:00 ng hating gabi nang maganap ang insidente sa isang kubo na matatagpuan sa Phase 1-B sa nasabing lugar.

Sa salaysay ng biktima sa mga awtoridad, inimbitahan siya ng mga suspek na mag-inuman at dahil sa mga kakilala naman ng dalagita ang mga ito ay pinaunlakan nito ang imbetasyon.

Dinala ng mga suspek sa isang kubo ang biktima at doon sila nag-inuman. Matapos ang ilang ikot ng baso ay agad na tinablan at nahilo ang dalagita dahilan upang magpaalam na ito sa mga kainuman na uuwi na sa kanilang bahay.

Subalit hindi pinayagan ng mga suspek na makaalis ang dalagita. Ani Marimar, isa-isang naglapitan ang mga ito sa kanya at pinahiga siya sa mahabang upuan saka pinaghahalikan at pinaghihipuan sa maseselang bahagi ng katawan.

Nanlaban si Marimar ngunit hindi umubra ang kanyang lakas sa laban sa 15 lalaki.

Hinubaran siya ng mga ito at isa-isang pumatong sa kanya at paulit-ulit na pinagsawaan ang murang katawan niya.

Dahil dito, hindi na nakayanan ng dalagita at tuluyang nawalan ng malay.

Matapos makaraos sa makamundong pagnanasa ang mga suspek ay basta na lamang na iniwan ang hubu’t hubad na biktima sa isang bakanteng lote.

Isang saksi ang nagmagandang-loob na tulungan ang biktima at agad na ipinaalam sa mga awtoridad ang natuklasan.

Nang malaman ng mga magulang ng biktima ang sinapit ng anak, agad na ini-report ng mga ito ang nangyari sa awtoridad.

Sa isinagawang follow-up operation ng awtoridad ay agad na nahuli ang apat sa 15 suspek na kinabibilangan ng tatlong menor de edad. Roger Panizal

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply