Nilalaman ng billboards pag-uusapan

MAGPUPULONG ang Metro Manila Development Authority (MMDA) at advertising sector sa Abril 8 hinggil sa mga usaping sangkot ang mga billboard sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila, partikular sa EDSA.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, pag-uusapan ng dalawang sektor ang mga bagay na may kinalaman sa mga billboard at epekto nito sa trapiko at public safety.

Ilan sa mga pag-uusapan sa pulong ay ang tamang size ng mga billboard depende kung saan ito nakalagay at anong uri.

Pag-uusapan din ang tungkol sa mga billboard na makikita sa mga fault line na delikado sa oras na lumindol.

Kabilang din sa tatalakayin sa pulong ang nilalaman ng billboards dahil madalas ay maliit na bahagi na lamang umano ng billboard ang napupunta sa produktong ine-endorso, higit na mas malaking parte ay napupunta sa pagpapakita ng katawan na madalas ay umaagaw sa pansin ng motorista at nauuwi sa aksidente.

Kasama naman sa pulong ang religious sector at kinatawan ng mga meyor ng Metro Manila.

Kaugnay nito, sinabi ni Tolentino na sa susunod na linggo ay magsasagawa na sila ng inspeksyon kaagapay ang Department of Public Works and Highway (DPWH). Alex Luis

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply