NLEX Warriors nasukbit ang ikatlong panalo

ISANG three-pointer sa huling 3.9segundo sa final quarter ang ibinuslo ni Cliff Hodge sa pasa ni Pamboy Raymundo ang nagligtas sa NLEX Warriors, 88-87, laban sa PC Gilmore.

Sa isang masikip na panalo, nakuha ng Road Warriors ang liderato sa Group A ng PBA D-League Foundation Cup sa larong idinaos sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Nagtumpok si Hodge ng 21 puntos na nagbigay sa Warriors sa 3-1 win-loss slate habang ang PC Gilmore ay nalaglag sa 2-2 baraha . Si Carlo Lastimosa ang tanging nagbigay laban sa panig ng PC Gilmore sa kanyan ipinuntos na 22 points.

Pinatuyo naman ng FCA Cultivators ang Maynilad Water Dragons, 77-67. Naging balakid sa Water Dragons ang hindi paggia ni Coach Frankie Lim resulta ng isang one game suspension na pinagdurusahan niya.

Sumampa ang FCA Cultivators sa 2-1 kartada na kapantay ng naka-bye na Cebuana Lhullier Gems.

Maghaharap ngayong hapon sa Lyceum Gym ang Blackwater at Pharex Generics alas-dos ng hapon na susundan ng banggan ng Max! Bond at Cobra Energy Drinks, alas-kuwatro ng hapon. Radito Torres

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply