‘Blackout’ itinanggi ng Malakanyang

TINIYAK ng Malakanyang na walang dapat pangambahan ang publiko sabay tangging walang katotohanan ang ulat na magkakaroon ng malawakang “blackout” o malawakang pagkawala ng kuryente sa bansa.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Sonny Coloma, hindi kukulangin ang suplay ng langis, na bunsod ng mga kaguluhan sa Middle East, upang mapatakbo ang operasyong ng kuryente.

Nilinaw ni Coloma na siyam na porsiyento lamang ng kabuuang pinagkukunan ng kuryente ng bansa ang umaasa sa langis.

Kaya, aniya, hindi masyadong maapektuhan ng presyo ng langis at kaguluhan sa Middle East ang sektor ng enerhiya dahil 91 posiyento ng pinagkukunan ng kuryente ay mula sa geothermal, hydroelectric at coal plants.

“Sa atin pong energy situation kung tutunghayan po natin ay ‘yung electricity o electric power, hindi po tayo masyadong apektado doon sa volatility ng oil prices dahil 9 porsiyento lang po ng ating electric power generation ang nakasalalay sa fuel,” ayon kay Coloma.

Dagdag pa ni Coloma: “Kaya una pong aksyon na kailangan nating gawin ay palitan na po iyung oil bilang primary source ng ating transportation movement.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply