‘No graduation fees’ ng DepEd nilapastangan

BAKASYON na naman sa eskuwelahan at inaasahan na libo-libo na naman na mag-aaral ang ga-graduate.

Inaasahan din na marami na  namang magulang ang mag-iiyakan sa mga gastusin na sinisingil ng mga eskuwelahan sa mga ga-graduate.

Pero kamakailan ay nagpahayag ang Department of Education nang “no collection of fees for graduation.” Magkagayunman, marami pa ring eskuwelahan ang lumalabag sa kautusang yan ng DepEd.

Gaya na lamang itong inireklamo ng isang magulang sa Cabiao, Nueva Ecija.

Basahin natin ang nilalaman ng reklamo sa text message.

Magandang araw, SirJohnny. Sa kabila ng pahayag ng DepEd na “No graduation fees,” bakit dito sa Cabiao, Nueva Ecija, eh nakalulula ang mga bayarin? Kung ano-ano ang pinababayaran, pati po simpleng bulaklak? P650  pataas hanggang sa P1000 ang bayarin na nakasama sa graduation fees ng mga ga-graduate na mag-aaral. Bakit hindi ito ipa-monitor ng DepEd dahil nilalabag ng mga eskuwelahan ang kanilang mga utos? Salamat po!

WACCO, may tong collection sa 1602

Bilib naman ako rito sa tong collector ng  Women and  Childrens Complaint Office (WACCO) na  si William C. na nagpapakilalang alyas Dondon. Pati sa 1602/illegal na pasugalan ay nangongolekta siya ng intelihensiya. Ang pagkakaalam ko, ang WACCO ay binuo ng CIDG para mangalaga sa karapatan ng mga babae at mga batang inaabuso ng kung sinoman.

Pero tila lumalagpas ng trabaho itong si William C. dahil  pati ang panghihingi ng timbre sa mga sugalan ay pinasok na rin ng mamang ito. Alam kaya ito ni WACCO chief Supt. Emma Libunao?

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 0918927-4764,09266719269 o email juandesabog@yahoo. com. Johnny Magalona

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply