North Cotabato pasok sa Mindanao Final ng Susuki Tournament

Tacurong City Sultan Kudarat- Grand Slam ang team mula sa bayan ng Mlang sa lalawigan ng North Cotabato sa dalawang kategorya para sa Mindanao Finals sa Suzuki under sa 19 at under 23 Football tournament na ginawa mula Sabado at Linggo sa Mlang Doctors Hospital Football Field.

Sa under 19 category, inilampaso ng Mlang ang team mula sa Maguindanao sa score na 4-0. Samantala sa category 23, wagi rin ang team mula sa Mlang kontra sa South Cotabato sa score na 4-0. Tinalo rin nito ang Maguindanao sa score na 6-2.

Ang Mindanao Finals ng Suzuki under 19 ay gagawin sa Tubod Lanao del Norte ngayon Abril 26 at ang under 23 ay sa Davao City sa April 28.

Ayon sa alkalde ng bayan ng Mlang na si  Mayor Joselito Pinol, expected na niya ang panalo nila sa Central Mindanao cluster dahil sa puspusan ang paghahanda nila sa nasabing tournament.

Nais nila na masungkit ang ginto sa Mindanao Finals para mag-qualify sa national competition.

Ang magkakampeon sa football tournament ang isasabak sa Vietnam. Benjie Caballero

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply