Not guilty plea ikinasa ng 2 akusado sa Maguindanao case

NOT guilty plea ang ikinasa ng dalawa pang akusado sa Maguindanao massacre sa isinagawang pagbasa ng sakdal sa kanila sa Quezon City Regional Trial Court kanina.

Ang dalawang nagpasok ng not guilty plea ay sina Senior Police Officer 2 (SPO2) Badawi Bakal at militiaman Nasser Esmael.

Bunsod nito umaabot na sa 53 akusado ang naisalang sa arraignment sa sala ni QC RTC Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes.

Ang 53 akusado sa hinihinalang pamamaslang sa 57 katao noong 2009 ay pawang nagpasok ng not guilty plea sa sala ni Reyes.

Bunsod nito, umaabot na lamang sa 30 akusado na nakapiit ang isasalang sa pagbasa ng sakdal kaugnay ng krimen kasama sina Andal Ampatuan Sr.at anak na si dating ARMM Governor Zaldy Ampatuan.

Ang mag-amang Ampatuan ay pinayagan naman ni Judge Reyes na huwag nang dumalo sa hearing at manatili na lamang sa kanilang kulungan. Santi Celario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply