NPA vs militar: 3 rebelde nalagas

TATLONG miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasawi habang 10 ang sugatan sa sagupaan nang makaengkuwentro ng mga ito ang tropa ng pamahalaan sa Brgy. Malatas, Calatrava, Negros Occidental.

Nabatid na hindi narekober ng militar ang bangkay ng mga rebelde na agad umanong dinala ng kanilang mga kasamahan sa pagtakas.

Sampu naman ang napaulat na nasugatan batay sa salaysay ng mga residente na nakakita habang tumatakas ang mga NPA.

Tumagal ng 10 minuto ang labanan kung saan isang sundalo ng 62nd Infantry Battalion ng Philippine Army na kinilalang si Pfc. Rey Distalabero ang natamaan sa kanang balikat subalit nasa mabuting kalagayan na ito sa isang ospital sa Bacolod.

Tinatayang 15 hanggang 20 mga NPA ang nakasagupa ng 20 mga sundalo na nagsasagawa ng pagpatrolya sa nasabing barangay. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply