Nuclear crisis sa Japan inakyat na sa level 7

ITINAAS na sa level 7 Lunes ng umaga, Abril 12 ang nuclear crisis sa Japan dahil sa napinsalang Fukushima Daiichi nuclear power plant dito.

Mula sa level 5 inakyat na ito sa level 7 na tinaguriang “worst level” ayon sa International Nuclear and Radiological Event Scale (INES).

Nagdesisyon ang pamahalaan ng Japan na itaas ito sa level 7 dahil na rin sa patuloy na nagpapakawala ng mataas na antas at malaking amount ng radioactive substances na may masamang epekto sa kalusugan ng mamamayan nito ang nasirang planta, ayon Nuclear and Industrial Safety Agency.

Ang Level 7 ay naunang ginamit sa nangyaring Chernobyl accident sa dating Soviet Union noong taong 1986 kung saan libu-libong terabecquerels ng radioactive iodine-131 ang umabot sa ere. Ang isang terabecquerel ay katumbas ng one trillion becquerels.

Sa kabila nito, iginiit naman ng ahensiya sa Japan na mababa pa rin ang radioactive particles mula sa nuclear plan kung ihahambing sa Chernobyl. Alex Luiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply