Nuke plant evacuees dumadagsa sa paghirit ng danyos

MARAMI ng mga evacuees ang humihingi ng danyos bunsod ng Japan Nuclear crisis, ayon sa report ng NHK.

“I am not asking for anything more than I am entitled to. I just want my due,” ayon kay Ichijiro Ishikawa, 69, nakatira sa loob ng 20 kilometer evacuation zone mula sa planta.

Nabatid na bente katao ang sumugod sa lungsod ng Tokyo para iabot ang kanilang liham sa presidente ng Tokyo Electric Co. (TEPCO), may-ari ng nag-aalburutong nuke power plant.

Sa isang press conference, sinabi ni TEPCO President Masataka Shimizu na humihingi siya ng paumanhin sa mga naapektuhan at tiniyak na mamamahagi siya ng financial na tulong sa lalong madaling panahon.

“I offer my apologies for having spread radiation. I apologize from the bottom of my heart,” ayon kay Shimizu.

Nauna ng namahagi ang TEPCO ng 20 milyong yen ($240,000.00) sa mga pinalikas na mga bayan. Tinatayang aabot ng trilyong trilyong yen ang magagastos ng kompanya dahil sa radiation leak na naidulot ng planta. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply