Number coding suspendido sa Semana Santa

IPINAHAYAG ngayon ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagsuspinde sa implementasyon ng Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) mula sa Abril 19 hanggang 22.

Ayon kay MMDA chairman Francis Tolentino, ang pagsususpinde sa apat na araw na pagpapatupad ng UVVRP ay magbibigay daan sa mga motorista upang bumiyahe patungo sa kani-kanilang lalawigan sa Semana Santa.
“We’re also expecting that public transport terminals will have their hands full accommodating thousands of commuters. By allowing the public to freely use their vehicles, this will help lessen the strain on them,” ani Tolentino.
Pinapayuhan pa ni Tolentino ang publiko na iwasan dumaan sa EDSA at kung maaari ay dumaan na lamang sa Mabuhay Lanes at ibang alternatibong daan na binuksan para sa motorista mula pa noong Disyembre.
Sinabi pa ni Tolentino na ang Mabuhay lanes ay nagsisimula sa North at South entry points ng EDSA.
Para sa northbound motorist galing ng katimugan, puwede silang dumaan sa McArthur Higway, liliko pakanan patungong Samason Road, o C-4. Letre, R-10, A. Bonifacio, Roxas Boulevard hanggang sa kanilang destinasyon.
Samantala ang mga motorista na nagmula sa North Luzon Expressway (NLEX) ay maaaring lumabas sa iba’t-ibang lugar lalo na sa bagong gawang Mindanao Avenue. Johnny F. Arasga

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply