Obama tatakbo uli sa 2012

NAGDEKLARA si US President Barack Obama ng muling pagtabo sa halalan sa 2012.

Nabatid na nag-post na ng isang video sa kanyang official website hinggil sa kagustuhan nitong tumakbo sa pangalawang termino.

Nagpadala rin ito ng email sa lahat ng kanyang mga supporters patungkol sa kanyang balakin.

“The campaign would start small and grow over time, “with people organising block-by-block, talking to neighbours, co-workers, and friends”, ayon sa kanyang e-mail.

Nakatakdang ayusin at isumite ang kanyang election paper ngayong linggo, ayon sa kanyang campaign team.

Nais ng kanyang team na makalikom ng isang bilyong dolyar para sa kanyang re-election bid. Noong nakaraang eleksiyon ay umabot ng $750 milyong dolyar ang kanilang nalikom.

Maugong pa rin ang pangalan ni Republican Gov. Sarah Palin bilang pambato laban kay Obama. Ayon sa isang survey, hati pa rin ang mga amerikano kung si Palin nga ang kanilang gustong maging pinuno ng bansa. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply