Occidental Mindoro niyanig ng magnitude 5.4 lindol

NIYANIG ng magnitude 5.4 na lindol ang Occidental Mindoro Sabado ng umaga, Abril 9, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs niyanig ng intensity 4 na lindol ang Looc at Lubang, Occidental Mindoro habang intensity 3 naman sa Puerto Galera,San Teodoro at Baco sa Oriental Mindoro, Abra de Ilog sa Occidental Mindoro, Quezon City, Manila, Guiginto sa Bulacan, Makati City, Muntinlupa City at Marikina City.

Ayon sa Phivolcs dakong 2:29 ng madaling araw nang yanigin ng lindol ang mga naturang lugar.

Ang sentro ng pagyanig ay sa Lubang, Occidental Mindoro. Sinabi pa ng Phivolcs ang origin ng lindol ay tectonic.

Wala naman iniulat na napinsala sa naturang lindol. Santi Celario

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply